Paano Magkaroon ng Positive Prospect sa Negosyo?

Neil Yanto posted blog to category 

July 8, 2018

“Paano ba magkaroon ng qualified prospect sa networking business mo?”

Ito ang sa problema na kinakaharap ng mga networker kung paano sila makakakuha ng mga positive prospect o qualified prospect sa networking business nila.

Noong nasa offline marketing pa ako as a networker, marami din akong naranasan na mga rejections. Karamihan ng mga napapakitaan ko ng business opportunity ay mga negative pagdating sa networking. I struggle a lot and I felt na hindi ito ang industry na para sakin.

Pero noong natutunan ko yung isang strategy kung paano ako magkaaroon ng mga qualified prospect doon na ako nagsimulang kumita.

Paano ba magkaroon ng qualified prospect?

Kung gusto mong magkaroon ng good prospect, you should learn how to qualify your prospect.

Paano ba yon?

Pag sinabing qualify is not prejudging. Yung tipong sasabihin mo na,
“Hindi ito ang hinahanap ko.”
“Itong isa ito mukang mayaman ito ang i-invite ko.”
“Ito kaibigan ko iinvite ko ‘to.”
“Ito may pera to, ito wala.”
“Ito yon, huwag siya.”

Hindi ganun ang tamang pag ku-qualify ng prospect.

Alam mo bang sa ganitong type ng business, hindi lang sa network marketing business but in sales. ‘Yung mga taong ini-expect mong bibili ng product mo o sasali sayo ay hindi talaga sila yung sumasali o bumibili.

Kung sino pa ‘yong mga hindi mo inaasahang bibili o sasali sa business mo ay sila pa ‘yong nagjo-join o bumibili ng product mo.”

Parang nakakapag taka diba?

Pero kailangan na hindi ka magsayang ng oras sa mga maling tao o unqualified prospect. Meaning, the single most wasteful thing ay ang makipag usap sa taong hindi naman interesado sa product o services na inooffer mo, o kaya naman unqualified sila sa business mo.

Like for example,

Nagbebenta ka ng burger, pero ang binebentahan mo ay ‘yung mga taong katatapos pa lang kumain. Imagine na may bibili pa kaya sa kanila?

O kaya naman nagbebenta ka ng sabon na Gluta, pero ang binebentahan mo ay ‘yung mga taong mapuputi na. Isipin mo kung bibili pa kaya sila ng Gluta mo.

O sabihin natin na ang start up ng business opportunity mo ay P12,000, ang afford lang nila ay P4,000.

So, kahit anong pilit mo sa kanila kung busog naman sila, kung mapuputi naman sila o hindi nila afford yung mataas na start up ng business, hindi sila lalabas ng pera.

Para magkaroon ka ng good prospect ay kailangan na matuto ka ng mga qualifying questions. Alamin mo muna kung ano ang kailangan ng prospect mo, baka naman kasi ang gusto ng prospect mo ay ang business opportunity kung paano kumita pero naka focus ka sa product. So, kahit anong pilit mo sa product, e kung gusto nilang marinig ang kitaan hindi ka nila papakinggan at baka hindi na sila mag join sayo.

Ask question, “Bakit kayo nagkainteres sa business?“, doon mo malalaman kung sa product o sa opportunity sila naka focus. Then doon mo na i-present ang gusto nilang malaman.

Then, kailangan mo ulit mag ask ng questions pagkatapos mong i-present ang product o business opportunity. Then itanong mo kung, “Ano ang pinakanagustuhan mo sa presentation o sa video?

Then doon muna i-qualified yung prospect, gamitin mo ang reason why o ang mga pinaka nagustuhan nila sa presentation.

Example: (Disclaimer – Hindi sa lahat ng oras effective itong script. Depende ito sa pag-uusap nyo ng prospect mo.)

Script: “Okay, magkano naman po ang kaya nyong i-invest para (use the reason why) matulungan nyo ang family nyo para (ano ang nagustuhan nya) possible nyo din pong magawang kumita ng P100,000 per month.

Kung hindi naman niya afford ang price ng business opportunity mo. Pwede mong itanong sa kanya kung,

Script: Ang price po ng product namin ay P12,000, kaya nyo bang gumawa ng paraan (use the reason why) para matulungan mo ang family mo?

Kung hindi, tapusin mo agad ang pag-uusap pero mag-iwan ka ng possible na pwede nya pang magawa ito.

Script: Okay po, sa tingin ko po hindi ito para sa inyo ngayon. It’s not necessary na bumili kayo ngayon. Pero naniniwala po ako na pwede nyong gawin ito sa mga susunod na araw. Kung dumating po ang araw na yon, I’m willing to guide and help you sa business.

Sa paraang yon, binigyan mo sya ng paniniwala na kaya nya at willing kang tulungan sya.

Kung hindi qualified ang prospect, wag nyong awayin o sabihan masama dahil siguro ngayon hindi pa sya ready pero baka sa mga susunod  na maging ready na sya. Kung sinabihan mo sya ng masasama, 100% na hindi na sya sasali sayo o kaya naman magiging negative na sya sa networking business.

Kaya maraming nahihirapang mag invite at magkaroon ng qualified prospect dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng pagtatanong at pagsasagot.

PS: Gusto mo bang malaman ang tamang paraan ng pag-iinvite ng prospect? Click here

Back to Archive

Leave a Reply

Promotion

Popular Course

Unlock Your First Online Course (e-Skulahan Complete Guide)

Are you excited about creating a course but unsure where to get started? Do you want to make sure the course you create appeals to students? Then you're in the right place. We are introducing the official e-Skulahan support course about creating an online course. In this course, we will guide you through the recommended […]

LEARN MORE
Become a Master Affiliate Marketer - From Beginner to Expert

This course is here to prove to you that your dream of making money with Affiliate marketing is within your reach.   Imagine - going to bed and waking up to the excitement of finding a new Affiliate Marketing sale in your inbox the following day!   Whether you are enjoying a meal with your loved […]

LEARN MORE
E-Learning Masterclass - How to Become A Course Creator in Just 3 Weeks!

Whatever your profession or experience, maybe, if you've ever wanted to turn your knowledge, skills, or talents into a profitable online course, then you're in the right place! This training program provides absolutely everything you'll need to successfully build your own online business creating and selling online courses. From deciding what you should be teaching to marketing to the […]

LEARN MORE
Copyright © 2020
e-Skulahan Learning Hub
Follow Us

Contact us:

Number: +63-968-703-8866
Celina Plains Imus Phase 3, Malagasang 1-G, Imus, Cavite 
linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram